Ang pag ibig wala sa edad yan, hindi rin ito nababase sa kasarian, o sa estado ng buhay. Tinatamaan nito kahit sino. Sa pag ibig natututo kang lumaban at magparaya. Dahil nga sa nagmamahal ka umusbong ka bilang tao. Kakayanin mong sumugal sa kawalan, hindi mo nga alam kung mananalo ka o matatalo.