33 Части Завершенная история Для взрослыхSa prestihiyosong Northvale University, kung saan nagtatagpo ang pangarap, sikreto, at intriga, isang simpleng pagkikita ay maaaring magbukas ng pinto sa hindi inaasahang kwento. Si Cael Evric U. Acevedo, 12th grade STEM student-palabiro, witty, at palaging chill-ay may tinatagong lihim: ang paghanga kay Paulo Andrej V. Fernandez, ang college culinary major na halos hindi niya kayang titigan ng diretso. Para kay Cael, safe lang ang paghanga mula sa malayo-walang gulo, walang risk.
Pero sa mundo ng Northvale, wala talagang simpleng "encounter." Dahil sa campus events, Student Council, at mga hindi inaasahang pangyayari, lagi silang nadidikit ni Paulo, hanggang sa hindi na maikakaila ang tensyon. At hindi rin mawawala si Maddox Zephyr D. Chavez, ang manipulative Student Council President na may obsession kay Paulo at nakikita si Cael bilang malaking sagabal.
Sa gitna ng mga intriga, lihim, at kaibigang handang sumuporta-sina Julianna, Penelope, Aurelia, Kyara, at Jazmyn-ang tanong ay nananatili: ito ba ay simpleng pagkakakilala lang, o simula ng isang kwentong matagal nang nakatadhana?