Malakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin. Pinipwesto niya sa gilid ng simbahan ang dalang payong, silya, at tablang nagta-transform into instant mesa. Doon niya hinihintay ang kaniyang susunod na mabobola - este magagabayan tungo sa magandang kapalaran.
Buhay na buhay ang Plaza Miranda. Ang mga snatchers, mapagmatyag. Ang mga dumadaan ay alisto. Ang mga sidewalk vendors ay humahapit. Hyper ang mga tao sa paligid, kaya naman spotted agad ni Lia kung sino ang lalapitan para alukin ng kaniyang serbisyo... ang mga tulad ni Macoy.
Lumabas si Macoy mula sa simbahan na lugmok sa kawalan ng pagasa. 'Natutulog ba ang Diyos? Wala ba talagang forever?' Yan ang tema ng dasal ng binata sa Poong Nazareno. Hindi siya deboto. Nanghihingi lang ng saklolo.
Lia and her tarot cards came to the rescue. Ramdam niya ang good vibes na dala ni Macoy. Kumikitang kabuhayan ang bawat prediction niya sa rich kid na buwenas namang nagkakatotoo. To the highest level din ang namumuong romantic energy na nakikita niya sa aura ng binata.
Ayun lang. Kung minsan, lumalabo ring kausap ang kaniyang bolang kristal. Hindi naman pala kay Lia nakatuon ang energy, kundi sa exgf nito at first love na si Jackie. Kaya tuwing titingin ang dalaga sa mga stars, hindi niya maiwasan ang mainis. Bakit ba kasi hindi tugma ang mga zodiac signs nila?
Haayy, ang dapat sa kaniya, mag-move on. Pero walang balak si Lia na gawin iyon. Para saan pa? Huli na. Mahal na niya ang mokong, kahit nuknukan ito ng manhid.
Kaya sa ngalang ng pag-ibig, harangan man ng swerte, susugal na siya. Makikipagbunong-braso si Lia sa tadhana ni Macoy.
Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)
16 parts Complete
16 parts
Complete
"It's easy to fall in love with you. Bulag at tanga lang ang hindi magkakagusto sa'yo."
Animo araw at gabi sina Joshua at Jammy - literally and figuratively. Kung gaano kaliwanag ang personality ni Joshua ay kabaliktaran niyon ang kay Jammy. Isang rason ay ang pagkakaroon ni Jammy ng kakaibang allergy kapag nasisinagan ng araw, dahilan upang kutyain at pandirihan siya ng ibang tao kaya hindi siya nabiyayaan ng maraming kaibigan. Pero iba si Joshua. Handa itong protektahan at ipagtanggol siya sa kahit sino, ano man ang nakataya para sa binata.
And Jammy thought they had something special. Ngunit isang araw, may nalaman siya mula kay Joshua na nakasakit nang sobra sa kanyang damdamin. So she decided to leave him without saying goodbye.
Years later, they met again. Kilala na si Jammy bilang ang sikat na si 'DJ Heart' sa radyo at hindi niya inaasahang makakasama niya sa trabaho si Joshua. Nagpaliwanag ang binata sa totoong nangyari at inaming mahal siya nito mula pa noon. Pero naroon ang pag-aalinlangan ni Jammy na tanggapin muli si Joshua sa buhay niya. Dahil natuklasan niya ang kanyang totoong pagkatao. At kapag nalaman iyon ni Joshua ay malamang na ito naman ang lumayo sa kanya.