Some secrets are better left untold. But Sage Cadilus was never meant to remain a secret. Tila isang ordinaryong araw lamang iyon para Kay Casper-unang araw ng klase, bagong mga mukha, at panibagong mga kwentong magsisimula. Hanggang sa dumating si Sage Cadilus. Isang transferee na nakasalamin, may malamlam na mga mata, at isang personalidad na mahirap basahin. Tahimik siya, pero hindi naman mailap. Para kay Casper, parang bawat simpleng pagkikita nila ay may bagong bagay siyang natutuklasan tungkol dito. Isang kwento mula sa nakaraan na hindi niya kailanman ikinuwento. Isang bahagi ng kanyang pagkatao na hindi nakikita ng karamihan. At habang mas nakikilala ni Casper si Sage, mas napagtatanto niyang marami pa siyang hindi alam tungkol sa babaeng akala niya'y ordinaryo lamang.
More details