Ang sabi ng mga kaibigan ko normal lang daw para sa isang tao ang managinip, I even searched it in dictionary, ang 'Panaginip' daw ay ang most hidden desire ng isang tao. Napapanaginipan ng isang tao ang bagay na gustong-gusto niyang mangyari na kahit siya mismo ay hindi alam na gusto niya ito. Pero hindi ko maintindihan, I kept on dreaming about a usual scenario, may isang lalaking palaging sumusulpot sa panaginip ko, hindi siya katulad ng usual na panaginip kung saan pag-gising mo kinabukasan ay pangangarapin mo na magkatotoo ito. Paulit-ulit lang ang laman ng panaginip ko na mas nakakadagdag sa takot na naidudulot nito saakin. -xXxhumblemexXx