Gusto ko lang naman mapansin mo para malaman mong nandito lang ako sa malayo, laging nakatingin sa'yo, pinagmamasdan ka, at nangangarap na mapapansin mo. Nandito lang ako sa malayo, handang saluhin ka kung sakaling hindi ka magustuhan o mahalin ng taong mahal mo. Nandito lang ako sa malayo.. Sana mapansin mo ang isang tulad ko... Sana mapansin mo.