Si Cara ay isang perpektong babae, maganda, mayaman, matalino, mabait, basta lahat na ng good characteristic na alam niyo nasa kaniya na. Pero sa kabila ng kaniyang "perfect image" sa mga mata ng tao, siya naman ay sawi sa pag-ibig. Sa dinami-dami na ng naranasan niya sa pag-ibig, siya ay nagmahal, natawa, naiyak, nasaktan, nahilo, pinaglaruan, nagulat, nasuka, nabulunan, di na niya alam kung mahahanap pa niya talaga ang tamang tao na dapat niyang mahalin.