Sana may placard ang mga taong itinadhana para satin. O di kaya naman tattoo sa noo na nagsasabing "AKO! AKO ANG PARA SAYO! POTEK! 'WAG KA NA KASING MAGLANDI NG IBA!" Ng sa ganon ay hindi na tayo mahirapang hanapin sila.. Pwede rin namang glow in the dark sa dibdib, yung tipong kung kayo talagang dalawa e mag gglow ng sabay yun. Haha! Ang dali siguro ng lovelife kung nagkataon. Menos sa effort na pag-iyak/pagmumukmok sa mga taong walang kwenta at sigurado ka pang hindi mo mamimiss ang chance sa taong para sayo talaga. Pero sabi nga nila life is not easy (lovelife pa kaya?!?). Sa sobrang adik ng buhay, biruin mo hinahayaan ka nyang hanapin ang The One mo sa dinami dami ng tao sa mundo?! Para na rin itong finding a needle in a hay stack na drama. Tsssss. Minsan maswerte ka kasi nahanap mo na nga siya pero madalas may kaakibat pala itong kamalasan kasi since wala syang palatandaan na siya na nga (harinawa!) ang The One, e nabibitawan nyo ang isa't isa. Ang nangyayari, si The One mo ay nagiging si The One talaga. THE ONE... THAT GOT AWAY NGA LANG!
22 parts