"Pinapaasa mo siya, Samuel." I declared.
Tumango siya. "I know, and I'm sorry."
Now, I'm even more irritated. "Bakit ka sa akin nagsosorry? Kay Cathy ka magsorry-"
"I tried dating her, because you want me to. And in the hopes I'll forget my feelings for someone else."
Nalaglag ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. What. the. effing. hell. So ano? Pinapaguilty na niya ako ngayon? At bakit kasi siya sumunod? Kung hindi naman pala niyang kayang panindigan ay sana hindi na lang niya ginawa. Hindi ko siya pinilit! Isang beses ko lang sinabi na magdate sila ni Cathy pero ginawa naman niya kaagad. At bakit ako naiirita? Hindi ko alam!
"O tapos? Ako ang magsosorry kay Cathy para sayo?"
Nakita kong naiirita na rin siya sa akin. Parang may gusto siyang makuha ko pero hindi ko makuha-kuha.
"No.. Addi.."
"If you are just forced to date her because I told you to, then, stop it. I'm sorry if I told you to date her. Pero kung ganyan naman pala, ay mabuti pang tigilan mo na si Cathy bago mo pa siya masaktan ng husto. I'm a girl too, Samuel. He likes you so much at alam ko na ngayon pa lang nasasaktan na siya."
"Ikaw, hindi ka ba nasaktan?"
Kumalabog ang puso ko. Why in the world would why I get hurt? "What?"
"Noong nakikita mong kasama ko si Cathy, hindi ka ba nasasaktan. Huh? Addi?"
Shit. I could say no! Dahil una sa lahat, bakit naman magiging oo ang sagot ko doon? Just say it, Addi. Say no!
"What are you talking about?"
Mariin siyang pumikit. "I see. Good luck with Tj, then." Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong araw na ito ay nakita ko siyang ngumisi.
"Hindi rin kami ni Tj." Naiirita kong sinabi.
"But he's pursuing you."
"He isn't, Samuel."
"He is. Gusto ka niya."
Umirap ako. I don't want to assume anything right now! "He doesn't like me."
He scoffed. "That's the problem with you, Addi." Iritado niyang utas.
Kumunot ang noo ko.
"Manhid ka."
Short story/ Teen fiction