
Worst section. Laging nadadamay yung mga babae dahil sa mga lalake. Hindi lang yun pati mga nasa top nadadamay din Dahil pinapaiyak nung mga lalake yung mga teacher namin. Laging may away nagaganap sa classroom, laging may nasisirang gamit sa classroom. May mga lumalabas ng classroom. May mga nagkakalat sa classroom. May mga natutulog lang sa classroom habang naglelesson ang mga teacher at higit pa dun pag vacant ang time nila mga nakahiga na sa sahig ang mga natutulog. Nasa labas na yung iba. Yung iba nagyoyosi pa sa labas. Pero hindi lang yun dahil simula ng pinag-isa ang section ng dalawang section sa bagong taon maslalo siya naging worst section. Dahil pinagsama yung mga magugulong lalake sa iisang classroom at ang maiingay na babae sa iisang classroom din. Bale maingay at magulo sila dahil iisang classroom na nga lang sila. Pano kaya sila mahahandle ng kanilang adviser kung ganyan sila kagulo? Paano kaya sila mababago ng kanilang adviser at iba pang mga teacher sa kanilang university? Mag babago nga ba mga ugali nila at kaguluhan?All Rights Reserved