Annihilation ( White Devil's Vein 2 )

Annihilation ( White Devil's Vein 2 )

  • WpView
    Reads 70
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 5
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sun, Oct 23, 2016
Pagkalipas ng 2 taon, nang bumalik sa kanyang pinanggalingan si Vegasheval, muling nagpulong ang konseho ng mga fallen angels sa isang tigang na pook sa Babilonia. Pinamumunuan ang konseho ni Merodach at ni Berith, kabilang sa mga demonyong heneral na nagbabalak buuin ang puwersa ng Magog. Ang mga pulutong ng mga demonyong ito ay malayang nakakapagpasya ng walang abiso si Satanas. Hinati sa dalawang pangkat ang konseho, ng kanlurang bahagi at hilagaan ay kay Merodach--- at ang Silanganan at timugan ay kay Berith. Nag-utos si Berith na hanapin ang anak na babae ni Vegasheval na si Elvira, anak nito kay Eunice sa Sta, Catalina. Nang maramdaman ni Vegasheval ang puwersa ni Berith, kabilang ang 200,000 demonyong mandirigma at mga alagad nito, muli siyang nagbalik. Sa kanyang pagbabalik, muli niyang nakita si Agatha--- at kasabay ng pagbabalik na iyon ang muling pag-usbong ng pagmamahalan. Pagmamahalang nais hadlangan ni Elvira. Dahil sa paninibugho ni Elvira, nakuha ni Berith ang loob nito at ginamit upang kalabanin si Vegasheval. Ngunit, hindi kayang labanan ng ama ang anak. At mula rito--- gaya ng paglalahad ng kasaysayan, mauulit ang kasaysayan ng hidwaan ng magkapatid. Dugo sa dugo, laman sa laman. Dalawang laman na maglalaban na kabilang sa magkaibang puwersa--- ang mabuti at masama. Si Elvira laban kay Virgil--- na tinatawag ding " Sebastian".
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • WHITE DEVIL'S VEIN
  • Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]
  • Royale Series 6: JUST THE WAY YOU ARE (COMPLETED)
  • Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)
  • a kiss of forever
  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series
  • Sei Mio, Amore Mio
  • Angel's Revenge
  • LOST SOULS [COMPLETED]
  • BREAK THE WORLD (LID) Book 2 COMPLETED

Mula sa dako ng timugan, sa dako ng malamig na pook ay nakatunghay ang tatlong demonyong nakaluklok sa isang moog doon. Sila ay may tig-iisang dambana at pawang mga malalakas na kampon ng kadiliman. Sila nga rin ay mga anak ng mga anghel na inihagis mula sa langit at napasa-lupa kasama ni Lucifer, ang pinahirang kerubin. Sila’y binigyan din naman ng karapatan na ipahamak ang lupa at gawin ang nais gawin sa sangkatauhan. At ngayon nga, sila ay nakatunghay sa isang bayan sa isang planeta sa nasa Milky Way galaxy rin na itinago sa sangkatauhan. Ito ang bayan ng Edoreza na siyang katumbas ng bayan sa silanganan ng Eden sa aklat ng Genesis. Ang bayang ito’y nasa silanganan ng planetang Gengeluva na katulad ng ating planetang earth. Ang pagkakaiba, mas malaki nga lang ang earth ng apat na beses sa naturang planeta at ang kulay ng lupa roon ay pula. Ang tubig ay gaya ng sa atin at ang atmospera ay kulay berde. Sa ating planeta ay kulay asul. At ang tatlong demonyo’y nag-uusap mula sa dakong kanilang luklukan habang nakatingin sa naturang bayan. Minamasdan ang bawat gawain ng mga tao roon. Ang bayan nga ng Edoreza’y nagpapasimula pa lamang sa kanyang kasaysayan. Ito ay tumatakbo pa lang sa kanyang ika- 10,000 taong kasaysayan buhat nang lalangin ito ng Lumikha. At ang tatlong demonyo nga’y inatasan ni Lucifer na magtungo roon bilang kanilang misyon para sa paghahanda sa sagupaan sa digmaan o Armageddon. Sila ay sinaAdecentes, Balzephur, at Vegasheval. Sa kanilang tatlo, si Vegasheval ay may malinis na puso at may mabuiting layun sa mga mortal. Siya'y umibig sa isang babae. At ang pag-ibig na ito ang naging daan at dahilan upang kalabanin niya ang kanyang mga kauri. Na bagamat' anak ng isang masamang nilalang ( demonyo) sa isang mortal ay may angking kakaibang lakas at kapangyarihan na panig sa kabutihan.

More details
WpActionLinkContent Guidelines