"Kaya kong ibigay sayo ang lahat ng gusto mo pati nadin ang lalaking pinakamamahal mo.. pero may kapalit ang mga iyon.." Sabi ng lalaking nasa likod ko. Wala na akong paki-alam sa kapalit na sinasabi nya basta mapasakin lang si Arthur. Di ko magawang alisin ang atensyon ko sa lalaking mahal ko habang may kahalikan itong babae. Nasa likod sila ng school building habang ako naman ay palihim na katingin sa kanila mula sa likod ng puno. Sobrang sakit! Parang unti unting nadudurog ang puso ko sa pagdikit ng mga labi nila. Kung hindi man mapupunta sakin si Arthur mas mabuting di rin sya mapunta sa iba. "Payag na ko" pag-sang ayon ko sa lalaki at ngumisi ito ng nakakakilabot. Unti unting lumiwanag ang paligid ko, ramdam ko ang pag-bigat ng aking katawan kasabay ang pagdilim ng aking paningin.