!ATTENTION! Please note that this story has been written over a year ago (with countless of publishing and re-drafting strikes from yours truly) - thus, it may contain some grammatical errors and undoubtedly cringey, cliche moments here and there. I am still in the middle of editing it, so I apologize in advance for everything! ~o0o~ Si Lorraine "Lory" Marie Gonzales ay isang simpleng babae na may simpleng buhay, simpleng pamilya , at simpleng edukasyon. Tulad ng karamihan, ang itsura niya'y normal lamang. Hindi mapangit, pero hindi rin naman kagandahan. Tulad ng karamihan, siya'y nagsusumikap din na makatapos nang may parangal, makapaghanap ng magandang trabaho, at magkaroon ng masayang kinabukasan. At tulad din ng karamihan, siya'y nahulog, nagmahal nang sobra, at nasaktan. Sa kadahilanang ito, ang puso niya'y kaniyang hinarangan. Ngayo'y mayroon na siyang pusong wala nang makapapasok na kahit na sino man.