Halo-halong storya ng buhay pagibig. Storya ko, ng kakilala ko, ng kaibigan ng kilala ko. Storya ng nakita kong magjowang nagbreak sa isang coffee shop pero madalas storya na narinig ko lang sa kapit bahay kong mahilig chumismis sa umaga. Nadamay din yung storya ng kaopisina kong inlove na inlove sa jowa nyang babaero. Random na kwento ng pag-ibig ng kung sinong makilala ko sa kung saan. Ibat ibang ending. Yung iba natapos ang storya ng umaasa, yung isa hindi natapos yung kwento kasi kinailangang umuwi na para magsaing sa bahay nila at nagagalit na daw yung nanay nya. May ending na maganda kasi naging sila ulit ng syota nya, meron din naming malungkot kasi iniwanan na ng tuluyan. May ending na dahil sa sakit na naransan, nagbago ng preference. Naging bakla. May ending na na-trauma at ayaw ng magmahal kaya naging bitter. Nakakatawang isipin kung pano tayo binabago ng pagmamahal, pano tayo tinuturuan na maging matibay harapin ang bukas. Sana mag-enjoy kayo ng kahit very light lang sa mga stories na nakalap ko sa pag-gagala ko twing restday ko.All Rights Reserved