Si Shermaine Gutierrez, isang matabang babae na hinahangad lang na tanggapin siya ng lahat. Sa buong buhay niya, lagi na lamang siyang pinapahirapan maging ng mga kamag-anak nito. Kaya, naisip na lamang niyang umalis at mapag-isa. Mas ginusto niyang manirahan malayo sa mga magulang niyang pati siya ay hindi matanggap-tanggap dahil sa kaanyuan nito. Ipinagpapasalamat naman niya na kahit gaano pa kasama ang kapalaran sa kaniya, nariyan pa rin ang kanyang long time bestfriend na si Andrei na lagi siyang ipinagtatanggol sa mga taong patuloy siyang sinasaktan.
Ngunit, dumating ang pagkakataon na umibig si Shermaine. Ang pag-ibig na hindi niya aakalaing darating pa sa kanya. Ni hindi nga niya akalain na magugustuhan siya nito. Kaya, ipinaubaya niya ang puso niya rito. Pero, hindi niya alam na may isa pang nagmamahal sa kanya nang palihim. Ni hindi niya alam na mas nasasaktan ang taong iyon kapag ang bukambibig niya ay ang lalaking minahal niya.
Dumating ang panahon na nasaktan ang dalaga. Akala niya ay sasaya na siya sa pag-ibig na kanyang naramdaman. Akala niya, solusyon na ang pag-ibig sa paghihirap niya. Pero, nagkamali siya, dahil ang pag-ibig pala mismo ang rason kung bakit siya naghihirap ngayon.
Pero, paano na lamang kung bumalik ang lahat? Makakaya pa ba ni Shermaine na ipaubayang muli ang puso sa kabila nang sakit na naranasan niya? O, hahayaan na lamang niya ang sarili na maging manhid at hindi na muling umibig?
Makakaya pa kaya niya ang magmahal?
Ikaw, makakaya mo pa ba?
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is way out of her league when she learns that he is Terrence Montemayor-Saavedra, a missing billionaire.
Black Omega Society Series #1