O 'di ba? Most na, WASAK-est pa. Over duper superlative yung degree of subjective kasi gano'n naman talaga kasakit kapag umasa, umaasa at pinapaasa ka pero sa bandang huli... ikaw lang pala yung sumusugal, ikaw lang pala yung nagsusulat ng story, ikaw lang pala yung nagsasagwan ng bangka, ikaw lang pala yung nagbabalanse ng bisikleta. Ang daya. Ang labo. Ang bigat. Ang unstable. Ang hirap timbangin.
Kung napanood niyo na ang Camp Sawi na pinagbidahan nila Arci, Bela, Andi, Yassi (crush ko ever since chubby pa siya! haha) at Kim Molina eh halo halong emosyon yung mararamdaman niyo- may kilig, saya, lungkot, ka-bitteran, at syempre pag-ibig.
Si zuwi na ata ang pinakama swerte na babae sa lahat. Hinahangad ng ibang babae ang magkaroon sila ng boybestfriend, yung hindi pansamantala lang, kundi pangmatagalan. Sobrang swerte mo na siguro kapag nakahanap ka ng isang kaibigang hindi ka iiwan, porpotektahan ka sa lahat ng lalaking umaaligid sayo, gagawin lahat para mapasaya ka at higit sa lahat kilala at saulo kana talaga. Yan ang mga pinaramdam ni drei kay zuwi. Drei is always be there for zuwi, he never failed to make zuwi happy, halos alam nya na lahat ng galawan, ugali ni zuwi. Pero pano kung isang araw ay hindi na kaibigan ang tingin nila sa isa't isa? Sa tingin mo sa haba ng pinagsamahan nyo? Posible bang wala ka talagang maramdaman na mas higit pa sa pag kakaibigan nyo?