Ako po si Maria Ysadora Bartolome. nakatira po ako sa barangay barong-barong visaya, philippines! Mahilig po akong magbasa ng komiks at makinood paminsan minsan ng mga drama sa kapit bahay namin dahil wala po kaming telebisyun pero radyo siyempre meron. Mahilig din po akong sumayaw at kumanta kahit pa wala sa tono ang boses ko. Ito po ang aking kuwento mayroong drama comedy meron kunting horror suspense at siyempre hindi puwedeng mawala ang ROMANCE. Sana po ay magustuhan ninyo ang nakakalokang Adbentyur ko, Tenkyu! Ah siya nga pala! gusto ko din pong ipaalam na ako ang bida dito at dahil sa ako ang bida, aba naman may taglay din naman po akong ganda! hindi lang sa pag-uugali kundi lalo na sa panlabas na anyo na parang pang Miss Universe ang Peg! Charot! Sana po ay magustuhan ninyo ang kuwento ng aking buhay na mala fairy tale ang dating kung paano ko mapapa ibig ang aking PRINCE CHARMING! DATS OL! Tenkyu ulit ng marami! Ang Nangangarap at Nagmamahal, INDAY
15 parts