Mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan nang maikulong ni Paraong Tutankhamun ang napakalakas na pwersa na maaaring magpabago sa buong mundo... o magwasak nito. Sa pagkamatay ng Paraon, naisama niya sa kanyang libingan ang mga susi sa walang hanggang kapangyarihan na kayang ibigay ng pwersang iyon, pati na ang sikreto na ito ay minsan nang nasaksihan ng mundo. Sa loob ng mahigit dalawang libong taon, isang alamat lamang ang turing sa kapangyarihang iyon. Hanggang sa unti-unti itong magising. - - - Ang pangalan niya ay Mark Anthony Madlantuta. Isang ordinaryong lalaki na may ordinaryong buhay. Ngunit sa tuwing isusuot niya ang ginintuang singsing na napulot niya noong bata pa siya, siya nagbabagong anyo at nagiging isang... Babae. Babaeng superhero. Siya si Markang Tutan. 'Sing ganda ng "Magandang Umaga". 'Sing seksi ng mga prosti sa Gapo. 'Sing lakas ng People Power. 'Sing bilis ng snatcher sa Quiapo. 'Sing tamis ng wine. 'Sing tatag ng Sunshine. Siya ang superhero na kailangan ng Pilipinas: bansang pinuputakti ng kasamaan, karahasan, katiwalian, kahirapan, korupsyon, kolonyalisasyon, at iba pang mga bagay na nagsisimula sa letrang "K" na papasok sa isip mo. Siya ang superhero mo, superhero ko, at superhero ng lahat ng tao. KAY TUTAN TAYO!
11 parts