Para sa mga sawi, umaasa, ng makita ninyong may kasama kayo, at hindi kayo nagiisa. Tandaan na laging may magmamahal pa rin sa inyo. Hindi huling pagkakataon ang naging ex mo. Ex siya, paki ba natin sa kanya diba? Laban lang. Kaya natin to.
Para naman sa magmamahal pa lang, magingat kayo, baka mapunta pa kayo sa Camp Sawi. Wag umaasa, laging maghanda sa mga hindi mo maasahang makita. Wag naman ding masyadong isipin ang mga mangyayari, yung sakto lang, dahil lahat ng sobra, mali. Basahin mo to ng malaman mo ang pwedeng mangyari, pero hindi naman ibig sabihin nun, ito ang mangyayari sayo. Good luck sa iyo.
By the way, sa mga 15 pababa, pagumiibig na kayo, tigilan niyo na ha! Mapapaiyak lang kayo niyan. Aral muna! :)