Ang pag- ibig ay parang isang bunga ng punong kahoy. Sa una mura pa, parang puppy love lang. Pero habang tumatagal pasarap ng pasarap. Yun ang tintawag na first love. Siya yung nagbibigay ng kilig at inspirasyon sa atin. Parang mangga na maniba palang yun nagtatalo ang tamis at asim. At hindi magtatagal tuluyan ng mahihinog at matitikman ang sobrang tamis na taglay nito. Parang pag-ibig na nabibigay ng ibang saya at kulay sa buhay natin. Pero gaya ng bunga ng punong kahoy hindi natin ito maiiwasan na mabulok at itapon. Parang sa pag-ibig minsan kahit gaano natin ka gusto o kamahal ang isang tao kailangan natin silang bitawan o pakawalan dahil hindi sila ang itinadha para sa atin. Ngunit lagi nating tatandaan na kapag ang bunga itinapon natin sa lupa hindi magtatagal muli itong tutubo at magiging puno na magbibigay muli ng panibagong bunga. Gaya sa pag-ibig nalugmok man tayo sa matinding kalungkutan darating ang panahon na maghihilom ang sugat at sa tamang panahon muli tayong makakadama ng pag-ibig sa ibang tao. -Prince Arck Jin Santillian