Si carlos ay ultimate crush ni bing mula pa noong grade 7 pa sila, hanggang ngayon na nasa grade 10 na sila ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya dito. Kaya naman ganon na lang ang tuwa niya ng isang araw ay nakatanggap siya ng isang regalo mula dito. Isang couple heart keychain at isang sulat na nagsasaad na " if you keep this, love mo rin ako at mag on na tayo. Nasa akin ang susi niyan, simbolo na mag on na tayo. If you don't want to, then just return this to me" Bigla tuloy napawi ang kanyang mga ngiti. At dahil doon ay minabuti na lang niyang isaoli ito kay carlos dahil hindi niya nagustuhan ang pamamaraan nito ng panliligaw. Ngunit paano pa niya ito maisasaoli kung nawawala ito sa kanyang bag at hindi niya ito makita? Halina't subaybayan natin ang kwento ni carlos at bing sa istoryang pinamagatang "REGALO" Date started: september 16, 2016