A girl name Leia Cortes is defining Love as over-rated thing? What if one day, someone defy her self-proclaimed aphorism and make her as corny and as baduy like a love-sick teenager? Will she ever change her mind about love? lets join her to journey of Love. "Oh my, full moon ngayon!" Wala sa sariling bulalas niya. "Edi magwish ka na like you always do." Tudyo pa nito sa kanya. Ilang pagkakataon na silang dalawa ay magkasama na laging full moon at nahuhuli siya nitong humihiling. Noong una ay pinagtatawanan siya nito at binubuska pero dinedeadma lang niya ang binata. Mula pagkabata ay nasanay na siya na humiling sa buwan tuwing full moon dahil ang kwento ng lola niya nakikinig daw ang langit sa lahat ng taong humihiling kapag fullmoon. Alam niyang kwento barbero lamang iyon ngunit hindi pa din niya mapigilan ang sariling gawin iyon. Tumingala muli siya at umusal ng mahinang hiling. Pinagmasdan naman siya ni Yussif at napapangiting ibinalik ang tingin sa daan. "Kung ikaw ang hihiling sa full moon anong hihilingin mo?" Curious na tanong niya after she wished. Nakapaskil pa din sa mukha nito ang napakagandang ngiti. Good mood kasi birthday eh. sambit ng isip nya. "Wala." Sagot nito sa kanya. "Anong wala? Ang baduy mo naman." Kantiyaw niya dito. Nagkibit balikat lang ito ngunit hindi siya tumigil kulitin ito. "Sige na. Magsabi ka na. Malay mo marinig ng langit at tuparin ang hiling mo." Pang uuto pa niya. Napailing ito bago nagsalita. "I can't think of anything else kasi I already got my wish." Sagot nito at kumindat pa sa kanya. May kung anong bagay ang tumusok sa puso niya ng marinig ang sagot nito. Baka kaya kakaiba ang ngiti nito dahil totoo nga natupad na ang hiling nito. Hindi na siya nagsalita bagkus ay nanahimik na lamang. "Ikaw? What did you wished for?" Tanong nito ng mapansin tahimik siya. Napaangat siya ng tingin at nakita niyang kumikislap ang mata nito sa ningning.