24 bab Lengkap Fresh graduate at sabik na sabik ng magtrabaho si Dra. Analiza Ricondo. Para sa kanya, isang pangarap na natupad ang maging pediatrician kahit pa pansamantala lang.
Inakala lang niya na puro trabaho at mga bata lang ang makakasagupa niya sa panibagong yugto ng buhay niya. Kaya laking gulat nalang niya nang muli niyang nakatagpuang-landas si Brix Belmonte, ang lalaking minahal niya noon, sinaktan niya, sinaktan din siya at hindi siya kinausap sa napaka-habang panahong lumipas. Ano kayang mangyayari ngayong nagkita uli sila? May nararamdaman pa kaya sila sa isa't isa?
Paalala: Ito ay isang kwentong kathang-isip lamang. Wala sa mga pangyayaring naganap sa nobelang ito ang naganap sa totoong buhay. Bagamat ang mga tauhan ay ibinase sa mga totoong tao, ngunit hindi tunay na pangalan nila ang ginamit sa kwentong ito. Ni kung paano sila inilarawan sa kwentong ito ay wala ring katotohanan.