Halos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katotohanang wala na syang magagawa pa para mahalin din sya ng kanyang lalaking pinapangarap. Kaya masakit man, kailangan na nyang kalimutan si Andi. Pero hndi ito magiging kasing dali ng pagsasabing ayaw na nya. At dyan nya maiisip ang 7 steps para kalimutan si Mr. Paasa!