Story cover for One in a Million Chances (BoyxBoy) by PrinceZaire
One in a Million Chances (BoyxBoy)
  • WpView
    LECTURAS 160,075
  • WpVote
    Votos 8,601
  • WpPart
    Partes 112
  • WpView
    LECTURAS 160,075
  • WpVote
    Votos 8,601
  • WpPart
    Partes 112
Continúa, Has publicado sep 20, 2016
Contenido adulto
"If you were given one in a million chances to go back... would you take it?"
Sa mundong ito, may mga bagay na kailangan mong bitawan.
At meron ding mga pagkakataong kahit gaano kahirap-kailangan mong panghawakan.
Gano'n talaga ang buhay.
Gigising ka.
Magpapakawala ka.
Kakapit ka.
Mahirap kalabanin ang oras.
Mas mahirap harapin ang tadhana.
Pero sa huli, ang natitira lang... ay ang isang pagkakataon.
One, in a Million Chances- 
ang kwento kung saan nagsimula ang lahat kay Kyle Cedric Eros,
ang unang Castaneda doctor na minahal natin.
He fell in love with a soldier, in a time of war and uncertainty.
Pero gaya ng halik sa hangin-maikli, malamig, walang bakas.
At sa pagtatapos ng kwento niya,
dumating si Sky.
Dr. Seth Kyrie Buencamino-ang probinsyanong doktor na masyadong mahigpit sa sarili, dahil sa simpleng pinanggalingan.
Hindi natin alam-siya pala ang pinakamalakas sa lahat.
Dahil siya ang tunay na tagapagmana.
Ang tunay na Castañeda.
He loved a dragon-Diordan Glen-Daniel Mondragon.
Makapangyarihan. Mapanganib. Maganda.
Pero gaya ni Cedric, nauwi rin sa wala.
Hanggang sa bumagsak ang mundo ni Sky...
And from the skies came an eagle-Ico.
Elias Leon Aguila Gessler.
Ang pumatay sa ama niya.
Na natutunan niyang patawarin... at mahalin.
Siya ang maghahanda sa kanya.
Siya ang mag-aayos ng gulo-hindi lang para kay Sky, kundi para sa lahat.
Pero matapos ang kaguluhan...
sino ang susunod?
Sino ang tatayo mula sa abo ng mga Castañeda?
Si Sean Prim Isaac ba, na ngayo'y natatakot at naguguluhan,
dahil nalaman niyang hindi siya tunay na Castaneda?
O si Scout Callaghan "Kali"-the musica; genius, a child prodigy, stubborn at mausisa, pero tila walang interes sa yapak ng ama niya?
O may bagong pangalan na isusulat ang kasaysayan?
Isang bagong Castañeda na magpapasimula muli ng lahat?
Handa ka na ba?
Handa ka na bang tahakin ang daan kung saan ang wakas ay simula ng panibago?
Todos los derechos reservados
Tabla de contenidos
Regístrate para añadir One in a Million Chances (BoyxBoy) a tu biblioteca y recibir actualizaciones
O
Pautas de Contenido
Quizás también te guste
Dangerously In Love [COMPLETED] de writershiie
12 partes Concluida
Nang ma-ospital ang kapatid ni Madelyn ay sinulong niya si Keith Montalban, isang notorious underground fighter, para mag-demand na bayaran nito ang hospital bills ng kapatid niya. Ito kasi ang dahilan kung bakit na-injured at puno ng pasa ang kapatid niya. Hindi nito na-appreciate ang panggugulo niya rito ngunit dahil sa pangungulit niya ay pumayag ito. Ngunit may kapalit-magmo-model siya rito habang suot ang isang Pikachu pajama suit. Medyo na-weirduhan siya sa kapalit nito ngunit mas pipiliin niya iyon kaysa ang pagkababae niya ang hilingin nitong kapalit. Ang buong akala ni Madelyn ay hanggang doon lang ang pagkikita nila ngunit nagkamali siya dahil isang araw ay bigla itong sumulpot sa diner na pinagtatrabahuan niya. Siguro may plano ang tadhana dahil hindi come and go ang binata sa buhay niya. Sa halip ay naging hero niya ito nang malagay sa panganib ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay namalayan na lang niyang nahuhulog siya, she was dangerously falling in love with the underground fighter. Ngunit paano kung ang dahilan ng muling pag-aagaw buhay ng kapatid niya ay kagagawan na naman nito? AUTHOR'S NOTE: Hello, guys. Ito po ang kauna-unahang MS ko na ni-return po ng PHR. Haha. Maraming factors kung bakit na-return ang MS pero dun ako natawa sa feedback na parang hindi daw dito sa Pilipinas ang setting ng story. Haha. Puro English novels kasi ang binabasa ko lately kaya ayon, English novel-inspired tuloy ang kinalabasan ng story. Haha. Tanggap ko naman na na-return siya pero hindi ko mapigilang manghinayang. I enjoyed writing the story at naisip ko, sayang naman kung itatago ko lang ito sa hard drive ko. Kaya 'eto, naisip kong i-publish na lang sa Wattpad. Sana mag-enjoy rin kayo sa love story nina Keith at Madelyn. Huwag rin po kayong mahiyang mag-comment. Nagpapa-inspire kasi 'yon sa akin. Thankies! Xoxo!
[Completed] Mine, All Mine de VeniceJacobs1
52 partes Concluida Contenido adulto
Shea desperately needed a big amount of money for her little brother's operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang inaasahan sa pamilya nila simula nang pumanaw ang kanilang ama at magkasakit sa puso ang kanyang ina ay kailangan niyang gumawa ng paraan para makapaglabas ng pera upang agad na ma-operahan ang kapatid. So she decided to give up her body in exchange for money. If only she had another way to get money, she wouldn't be doing this to herself. Lumapit siya sa isang kakilala para humingi ng tulong patungkol sa bagay na iyon. Hindi naman nahirapan ang kakilala niyang iyon na humanap ng customer na handang mag-bayad ng malaking halaga para sa isang gabi. Then, she met Spencer Diehl - a handsome multi-millionaire who was willing to waste his money for anything. He was the most unpredictable man she had ever met and she spent her very first warm, memorable night with this stranger. After that night, she started changing her life. Ilang taon lang ay naabot niya na ang kaginhawang nais niyang ibigay sa pamilya at utang niya ang lahat ng iyon sa boyfriend niyang si Tom. Pero kung kailan ayos na ang lahat ay saka naman bumalik sa buhay niya si Spencer para ipaalala ang isang parte ng nakaraan niyang pilit niyang itinatago at kinakalimutan. Bakit kailangan pa ulit nitong magpakita? Bakit naisipan pa nitong lumapit sa kanya ngayon? And why did her heart starts yearning for another night with him again? Had she gone insane?
Half a Heart ☑️ de Cziant
30 partes Concluida
(COMPLETED) Matapos na mawala ang kanyang ina, wala nang natira kay Caspian Rufus Torres maliban sa kanyang bahay-ang huling regalo ng kanyang ina sa kanya. Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi na siya nakakita pa ng rason upang manatili roon dahil ang kanyang tita, ang huli at katangi-tanging kapamilya na kilala niya, ay nagbago ang pakikitungo sa kanya. Pagkaraang maglayas nang walang kasiguraduhan sa patutunguhan ay nakilala at tinulungan niya-mula sa mga taong nagbabanta ng buhay nito-ang pinakasikat na Doktor ng kanilang probinsiya: Doctor Andrey Seavey. Umalok ito ng scholarship at ng dormitoryong matitirhan-bagay na hindi niya tinanggihan dahil wala na siyang ibang choice. Akala niya ay sinuwerte na siya. Ang tanging humahadlang lang sa kasiyahan ni Caspian ay ang anak ni Doctor Seavey at ang magiging dorm mate niya-walang iba kundi si Othello Mateo Seavey. Ngayon, naiwan si Caspian sa dalawang desisyon: ang magpatuloy sa paninirahan doon sa dormitoryo habang sinusubukan naman ni Othello na paalisin siya, o umalis at magpalaboy nalang sa daan. Ang pangalawang nabanggit ay halatang hindi magandang desisyon. ~~~ Disclaimer: As someone who believes that love is universally shared, this is my attempt to write modern world's narratives and realities-which features same-sex relationship and actions. Kung hindi ka fan ng genre na 'yan, I'd love to respect that. However, kung wala ka namang magandang masasabi, then you have all the freedom in the world to skip this. Thank you!✨
LOVE HAS NO GENDER (One Shot Story) SPG - UNEDITED de TheRealRedPhantom
1 parte Concluida
Isa itong libro na naglalaman ng isang buong kuwento sa loob ng iisang kapitulo. Kozette - Musmos pa lamang ay alam na niya kung sino ang tinitibok ng puso niya, si Mikey. Ngunit hindi ito lalake kundi babae. Pero hanggang kailan ba niya kayang itago ang nararamdaman para rito? Lalo na't habang lumilipas ang panaho'y unti-unting lumalayo ito sa kanya at isang araw paggising niya'y hindi na siya nito kinakausap? Hanggang kailan niya ito kayang mahalin ng hindi nito nalalaman ang tunay na sinisigaw ng damdamin? Mikey - Ang tanging pangarap niya'y maging kasing galing ng iniidolo niyang doktor, ang kanyang ama. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana't nadungisan ang pagkakaidolo nito sa kanyang ama sanhi ng pagkakatiwalas nito sa tamang landas. At dahil dito, hindi narin ito naniniwala sa salitang "tunay na pag-ibig" mula ng iwan sila nito ng sariling ama. Ngunit papaano kung matagpuan na lamang niya ang sarili niyang mahulog muli sa taong matagal na niyang iniwan? Ang taong minsan niyang minahal ngunit dahil sa takot na baka matulad siya sa kanyang ina'y mas pinili na lamang niyang lumayo rito't kalimutan ang kanilang pinagsamahan. Idagdag pang alam niyang hindi normal ang umibig sa kapwa nito babae. May pag-asa bang magbunga ang mga lihim nilang nararamdaman sa isa't isa? O hahayaan nalang nilang lumipas ang panahon at tuluyang kalimutan ang minsang parehong pagtibok ng kanilang mga puso para sa isa't isa? ©TheRedPhantom2015 P.S Ito po'y dati ko ng nailathala dito sa wattpad gamit ang luma kong account. Ngunit datapwat dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay ito'y nawala kasama ng lahat ng mga librong aking kasalukuyang ginagawa, maswerte na lamang po't ako'y mayroon pang natirang kopya na ngayo'y aking muling ilalathala. Salamat po sa inyong suporta. At sa mga hindi pa nakabasa nito'y sana'y magustuhan niyo. Muli, ako po'y taos pusong nagpapasalamat sa pagsubaybay ninyo sa aking mga likha. Salamat! ^__^
Quizás también te guste
Slide 1 of 10
Reborn To Be An Idol BL [COMPLETED] cover
Dangerously In Love [COMPLETED] cover
[Completed] Mine, All Mine cover
Monasterio Series #2: After All  cover
FAMILIA YBAÑEZ: Familia Lujuriosa 1 cover
Half a Heart ☑️ cover
LOVE HAS NO GENDER (One Shot Story) SPG - UNEDITED cover
ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED] cover
The Petite Nerd cover
My Heart's Angel (Completed) cover

Reborn To Be An Idol BL [COMPLETED]

31 partes Concluida

"Reborn to Be an Idol" Prologue Sa loob ng ospital, sa pagitan ng humihinang pintig ng puso at tunog ng makina, nandoon si Yllaine Acuestro-isang babaeng isinilang na may mahina ang katawan. Sa edad na 22, ang mundo niya ay paikot-ikot lang sa malamig na kwarto ng ospital, mga gamot, at pangarap na hindi niya kailanman maaabot. Ang tanging liwanag sa madilim niyang realidad ay ang mga K-pop idols na pinapanood niya online. Lalo na si Suga ng BTS-ang kanyang inspirasyon, ang kanyang pahinga. Sa mga mata niya, sila ang simbolo ng lakas, saya, at buhay na gusto niyang maranasan kahit minsan lang. Ngunit hindi palaging mahabagin ang tadhana. Dumating ang araw na bumigay rin ang kanyang katawan. Akala niya, doon na nagtatapos ang lahat. Pero ang Diyos ay may ibang plano. Pagmulat ng kanyang mata, hindi na siya si Yllaine. Siya na ngayon si Grey-isang lalaking ipinanganak na may malusog na katawan at pinalaki para maging isang idol. Isang bagong katawan, bagong buhay, pero parehong puso. Ang dating pangarap ay wala na sa panaginip-ito na ngayon ang kanyang bagong realidad. Ito ang kwento ni Yllaine bilang si Grey. Ang kwento ng muling pagkabuhay, ng laban, at ng pag-abot sa entabladong minsang tanaw lamang mula sa ospital na kanyang kinagisnan. Ito ang kanyang ikalawang pagkakataon. At ngayon, she is "reborn to be an idol." Coming soon, abangan...