24 części W Trakcie Nabalot ng dilim ang paningin ni Denver matapos ang malakas na pagbangga ng truck. Isang banggaan na naganap habang nagmamadali siyang makarating kay Alexa, ang kanyang minamahal, na nabalitaan niyang nahulog mula sa isang gusali.
Pagmulat ng kanyang mga mata, isang kakaibang mundo ang sumalubong: isang misteryosong kaharian ng mga Aristocrat, na puno ng mahika. Doon, hindi na siya si Denver, kundi si Jehu, isang makapangyarihang Aristocrat na may kakayahang manipulahin ang guhit. Isang matalik na kaibigan ni Vrynn... na kanyang natuklasan na si Alexa pala, ang kanyang kasintahan.
Panaginip ba ito, o isang bagong katotohanan? Ano ang kahihinatnan ng kanyang paglalakbay sa mundong ito? Makakabalik pa kaya siya sa dating buhay kasama si Alexa? O may mga nakatagong misteryo pa kaya siyang kailangang harapin bago niya mahanap ang katotohanan?