Kesha, ang babaeng ambisyosa kapag walang kasama. Bihira mo lamang maririnig ang boses niya dahil sa sobrang pagkamahiyain niya. Walang kasinghaba ang mga medyas niya at nakajacket pa sa tuwing papasok siya umulan man o umaraw dahil sa conservative daw siya. Si Breath, ang lalaking gustong-gusto ni Kesha. Senior taekwondo club member sa eskwela. Katulad ni Kesha, tahimik din siya. Ngunit walang kasing kulit kapg kasama ang barkada. At siya ang dahilan ng pagpasok ni Kesha sa nasabing club upang magpapansin sa kanya. Si Janggo, ang cutie baby boy sa eskwela. Kapag siya'y tumawa siguradong mahahawa ka dahil sa sobrang cute at makulit niya. Marami ang nagtataka dahil sa dinami-dami ng magandang babae sa eskwelahan nila ay si Kesha pa ang niligawan niya. Si Saszh, ang malapit na kaibigan ni Kesha. Maputi, makinis at napakaganda. May lihim na pagtingin kay Breath at gayun din naman si Breath sa kanya.