How would you feel if you were to occupy a room for a year with the man you least expect to be mates with? Magtataka ka ba dahil babae ka at lalaki siya? Maiirita ka ba dahil siya ang pinakamumuhian mo? Mababato ka ba dahil wala kang makakausap sa kanya? Maiinsulto ka ba dahil puro insulto ang lumalabas sa bibig niya? Mababastos ka ba dahil kilala siyang matinik sa mga babae? Mahuhulog ba ang loob mo sa kanya dahil sa angking galing niya sa paglalandi? O, magsasawalang-bahala ka na lang dahil wala ka namang pakialam sa kanya? Para kay Vivian Velasco, lahat nang 'yan ay naramdaman niya nang mapag-alaman niyang makakasama niya sa iisang room ang antipatiko na si Angelo Alcantara.
Detail lengkap