Twelve years old si Jenna nang makaramdam ng infatuation kay Brent na boyfriend ng Ate niya. Pag-ibig sa murang edad at iyon ay dahil sa isang pagkakamali ni kupido, pagkakamaling hindi tinanggap ni St. Peter kaya't hindi rin siya tatanggapin sa langit hangga't hindi niya naitutuwid ang ginawa niyang kamalian sa panahon ng pag-ibig. Pero may pag-ibig na si Brent at ito ay si Hersey, ang ate ni Jenna na ang pangarap ay priority nito kaysa kay Brent na second choice lang kung isip ang gagamitin at hindi ang pag-ibig. Lumayo si Brent... Nangulila si Jenna... At dahil sa pag-ibig na nilikha ni Kupido, life turns red sa panahon na kulay blue ito kay Jenna dahil surprisingly ay dumating si Brent sa kanyang debut sa araw ng Valentines day