Lahat siguro ng nilalang sa mundo ay hinangad na maging isang magulang. Kahit ikaw gusto rin magkaroon ng pamilya. Ngunit hindi lahat gusto na magka-anak ng biglaan. Katulad ni Sam Park na estudyante sa isang Pampublikong Pamantasan. Hindi niya inaasahan na isang araw ay bigla na lang siyang magiging INSTANT MOMMY. Alam naman ng kanyang magulang na isa siyang Gay pero kahit ganun hindi parin niya matanggap na magkakaroon agad siya ng INSTANT BABY BOY. Ano ang gagawin mo kung ang alam ng bata ay ikaw ang Mommy nito? Paano kung ang Daddy ng bata ay Boss ng Papa mo sa pinagta-trabahuan niyang kumpanya? At dahil lang sa isang picture mo na nakalagay sa desk ng Papa mo na nakita ng bata ay kikilalanin kang Mommy niya. Dahil na din sa ikaw ang kinikilalang Mommy ng bata ay alukin ka ng Daddy nito na magpanggap na tunay na Mommy ng bata. Matatanggap mo kaya na maging isang Ina? o tanggihan mo ang kagustuhan ng isang cute na Bata na maging INSTANT MOMMY ka niya?