Na-inlove ka na ba sa taong di mo pa nakikita? Yung tipong nung una, pachat-chat lang kayo. Nagkkwentuhan tungkol sa kung anong pinagkakaabalahan nyo, likes, dislikes, fav color, food, etc. Araw-araw kayong magkachat. Naiinis ka kapag di kayo nakakapag-usap o chat. Yun bang parang di kumpleto araw mo pag di mo sya nakakachat. Pero pagtapos mong ibigay sa kanya ang tiwala mo, malalaman mong POSER sya. At oo, ako 'tong si tanga. Na-inlove sa POSER.