Ito ang mundo ni Luna. Nilalaman nito ang mga tula, mga salita, mga bagay na hindi niya masabi, magawa o mga salitang patuloy na binabagabag ang isip ni luna sa gabi, mga salitang matagal nang nanahan sa utak niya na sana. sana, matagal niya na noong isinulat. Imahinasyon, damdamin at malawak na pananaw ang kailangan upang maintindihan ang mga nakapaloob sa mundong ito, dahil kung hindi, hindi mo din naman maiintindihan ang nais na ipahayag ni luna sa bawat salita, sa bawat kabanata.
P.S.
Uunahan na kita. walang kaugnayan ang naunang kabanata sa ika-lawa, sa ika'tlo o sa mga susunod pang kabanata, bawat isa ay mayroong nilalamang damdamin o alaala.