Bakit sa lahat ng mga lalaking nakilala ko IKAW yung hindi ko makalimutan? Bakit sa dinami-daming babaeng pag lalaruan mo AKO pa? Bakit kahit harap harapan mo na akong sinasaktan sinasabi ko pa din ang katagang "Ako nalang." Bakit sa tuwing iiyak ako sasabihin mong "Tahan na, nandito lang ako". Pero, kinabukasan wala na yun. Kasi, nasa ibang babae kana. bakit nagagawa ko pang sabihing "Mahal kita" kahit alam ko namang wala kang isasagot.