"Maybe I'm still not ready for this." Tinanggal ko ang singsing sa aking daliri habang nakatingin sa kanya. "Masyadong naging mabilis ang mga nangyari. I'm sorry." Inilagay ko ang singsing sa mesa at tumakbo sa aking kwarto. Isinarado ko ang pinto at ni-lock. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nag uunahan sa pag-agos sa aking pisngi.