Bakit nga ba may bumibitaw sa isang relasyon? Bakit nga ba nagkakalabuan tapos unti unti naghihiwalay ang dalawang taong dati ay nagmahalan? Bakit nga ba ang relasyon na kasing tamis ng asukal at kulang na lang ay dumugin ng mga hantik ay unti unti o bigla na lang tumatabang? Bakit nga ba kailangang maghiwalay ng dalawang tao na minsa'y naging mahalagang parte ng buhay ang isa't isa. Bakit dati lahat ng endearment "babe" "baby" "mahal" at kung ano ano pang corny na bagay ang tawag sa isa't isa pero dumadating sa panahong parang hindi na magkakilala? Bakit? Hindi nga ba nila kaayon si tadhana? Sadyang hindi lang ba ito ang tamang pag-ibig? 0 baka tamang pag ibig sa maling panahon, maling pag ibig sa tamang panahon o parehong maling pag ibig at mali pang panahon as in no chances of winning. As in bokya, waley at hindi talaga meant to be. Yung tipong kahit si God pinamumukha ng hindi talaga kayo para sa isa't isa. Yung dalawang mag ex lang ang makakasagot nyan, pero ako? Ex mo naman ako ah pero hindi ko alam ang sagot kung bakit. Ang daming rason ng break up hay! E tayo! Bakit nga ba tayo nagbreak?All Rights Reserved
1 part