'Crossroads' is where the roads of two people's lives are destined to meet. Naliligaw ng landas ang buhay ng college student na si Yosef hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang isang prangka-ngunit-magandang si Isabel na nagsimulang baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Pero iyon din ang araw kung kailan ang kaibigan niya na si Miyoko na tinuturing niya rin bilang isang kapatid ay pumanaw dahil sa isang car accident. Si Miyoko ay may undisclosed relationship sa isang babaeng nagngangalang Bella na walang kamalay-malay sa trahedyang sinapit ng kasintahan. Kaya naman nangako si Yosef na hahanapin niya ito para ipaalam ang walang hanggang pag-ibig ni Miyoko sa babae. Matatagpuan ni Yosef ang sarili sa isang sangandaan kung saan ay kailangan niyang pumili kung anong daan ang dapat tatahakin. Kay Isabel ba na maraming inililihim sa kanya? O kay Bella na hinihilom pa rin ang sugat ng puso dahil sa pagkawala ng minamahal? Sa huli ay kailangan niyang pumili o parehong mawawala ang dalawang babae sa buhay niya. Ang 'Crossroads' ay kuwento tungkol sa pag-ibig sa pangalawang pagkakataon... at sa paghahanap sa iyong inspirasyon na hindi mo alintana ay nasa harap mo lang parati. Author's Note: Tagalog version ng Crossroads