Si Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang maging modelo sa pamamagitan ng sariling sikap ngunit sa kasamaang palad sa pagiging manikyurista ang kinahantungan nya. May pag asa pa kayang magkatotoo ang mga pangarap ni Maymay? O uuwi syang talunan sa probinsya nila?