Ang kwentong ito ay totoo at tunay na naganap sa isla ng Basilan. Ito ay tungkol sa dalawang matalik na mag kaibigan na pumunta sa isla ng Basilan kung saan naranasan nila ang nakaka pangilabot at kahindik-hindik na kababalaghan tungkol sa mga Aswang! Kahit ako natatakot akong i bahagi ang kwentong ito sa publiko dahil sa tingin ko ako pa lang ang nangahas na nagsulat nito at pakiramdam ko baka ha-huntingin ako ng mga aswang sa kwentong ito dahil sa ginawa ko. Sa tuwing sinusulat ko ito na ninindig ang mga balahibo ko.. Ang kwentong ito ay isinalaysay sa akin ng aking ate na isinalaysay naman sa kanya dati ng kanyang manugang habang sila ay naninirahan pa sa Basilan...Tutti i diritti riservati