I.
Pag-ibig na tila walang hanggan
Dalawang pusong nagmamahalan
Mga puso'y ibig maghagkan
Na sa tuwi'y magkasama laging magsiyahan
II.
Pag-ibig na walang humpay
Na kahit sino walang makakapantay
Sa puso kong sayo'y patay na patay
Na kapag ikaw sa akin ay lumisan, puso ko'y wala ng lumbay
III.
Mga sinasabi nilang walang ka muwang-muwang
Direksyon na may walang patutunguhan
Wala akong pakialam sa opinyon ng iba
Basta alam ko lang na ako'y mababaliw kapag ikaw sa akin ay lumisan pa
IV.
Di ko lubos maisip na magiging akin ka
Dati nama'y Pacific Ocean ang pagitan sa ating dalawa
At ngayon abot na abot na kita
Sana'y tayo na talaga aking sinta
All Rights Reserved