Sa 22 years akong nabubuhay sa mundong ito napakarami ko ng pinagdaanan. Mga lugar na napuntahan. Mga taong nakasalamuha at nakilala. Mga mabubuti at masasaklap na karanasan.
Isang araw tinanong ako ng aking kaibigan "Ano bang pakiramdam maging anak ng isang Pastor ang sarap siguro no?" Sabi nya sa akin, Napaisip ako non. Oo masarap maging anak ng Pastor pero at the same time mahirap din, Dahil halos lahat binabantayan ang galaw mo at may mabibigat silang expectations na kapag hindi nila nakita, Sa tatay mo ang bagsak. Yung para bang bawal ka magkaroon ng kasalanan kasi sasabihin nila 'Ganyang ba ang anak ng Pastor?" Mahirap, Masakit pero gusto ko lang malaman nyo kahit Pastor ang tatay ko tao parin siya at maging ako na anak nya. Sinabi sa Bible "for all have sinned and fall short of the glory of God" Romans 3:23
Lahat tayo ay makasalanan at nagkakasala.
I want to dedicate this story sa mga katulad kong anak ng isang Pastor, Para rin sa mga Members ng iba't ibang Church, Para sa mga Pastors, Sa asawa ng Pastor, Para sa lahat.
'A Pastor's Daughter'
I am Charity Llantada and I am a Pastor's Daughter.
This is my Story, Your Story and Our Story.
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa mas lalo pang ika-uunlad ng iyong pagkatao."
Halina't iyong tuklasin sa librong ito kung paano maisapamuhay ang mga aral na itinuturo sa atin ng Diyos, na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatili kang buhay at malakas at binigyan pa ng pagkakataon upang maranasan ang magandang Plano para sa iyong buhay at maayos na kinabukasan.
Dalangin ko na sa tulong ng devotional na ito ay mas lalo mong makilala ang Diyos at mas lumalim sa kanyang presensya at patuloy na lumago sa buhay kristiano.
Sa Diyos ang mataas na Papuri, Karangalan at Pasasalamat sa pangalan ni Jesus...