"Gaano mo ba kakilala ang girlfriend mo?" Yan ang isang malaking tanong ng ating bida na si Kimpoy, ang gwapo pero shushunga-shungang probinsyanong napadpad sa Maynila para maghanap ng mas magandang trabaho. Sa kanyang pakikipagsapalaran sa Maynila ay may isang misteryoso, napakaganda at seksing babae ang nagpakita sa kanya, hindi niya ito kilala pero kilalang-kilala siya nito na siya palang babago ng kanyang mundo.