Matagal ng gusto ni Nikki si Joshua. Matagal na siyang humahabol dito. Matagal na siyang nangangarap na mapansin nito. At dahil sa sobrang tagal na nga, napahiling tuloy siya na sana malaman din nito na may Nikki Albueva na nage-exist sa mundo. Pero hindi niya inakala na matutupad ito... sa isang panaginip.