Story cover for MY DEVILISH DEVIO (Published under PHR) by disxlara
MY DEVILISH DEVIO (Published under PHR)
  • WpView
    Reads 100
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
  • WpView
    Reads 100
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
Ongoing, First published Sep 29, 2016
Mature
Namulat si Kiram sa simpleng buhay sa Isla Ag-biyan sa Mindoro. Isa siyang guro at pangarap niya at ng kaibigan na makapagpatayo ng maliit na paaralan sa kanilang isla. Tuwing dumadalo si Kiram ng conference sa Maynila para sa mga guro, humahanap siya ng kompanya na maaaring maging sponsor sa pangarap na iyon.
Sa ERA Foundation napadpad si Kiram. Doon din niya nakilala si Devio, ang guwapong lalaki ngunit antipatiko-pero hindi na nawaglit sa kanyang isip.
Hindi niya akalain na muling magkukrus ang mga landas nila ni Devio nang sumabog ang eroplanong kinalululanan nito at bumagsak sa isla ng Mindoro. Iniligtas niya ang lalaki.
Sa pag-aalaga ni Kiram kay Devio, hindi naiwasan ng puso niyang mahalin ang lalaki. Ramdam din niyang may katugon ang damdamin niya sa paraan ng mga haplos at halik nito sa kanya.
Subalit dumating ang mapait na araw sa buhay ni Kiram. Narinig niya mismo sa mga labi ni Devio...
"Paano ko siya lolokohin, eh, wala namang kami?" anang lalaki saka tumawa. 
Ganoon lang pala ang tingin nito sa mga tulad niyang taga-isla...
All Rights Reserved
Sign up to add MY DEVILISH DEVIO (Published under PHR) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Every Girl's Dream Boy: KHALIL MADRIGAL by Tonyang27
11 parts Complete
MAGKABABATA sina Megan at Khalil ngunit magkaiba ng personalidad. si Khalil na bagama't arogante at puno ng kayabangan sa katawan, never pa itong nakita ng dalaga na nagalit ng husto. handa ito laging makinig sa mga hinaing sa buhay ng dalaga lalo na pag dating sa mga boyfriends nito. ito ang takbuhan sa lahat ng oras ng dalaga ultimo mga assignments at projects sa School. Isa lang ang problema dito bagamat bolero ay torpedo naman. Ang subrang hangin nito sa katawan ang madalas magpainit sa ulo ni Megan. habang si Megan.. kinalaki ng Ulo ang pagdalaga ng maganda at sexy na kina-iinggitan ng ibang kababaehan na kapwa niya estudyante at hinahangaan ng mga kalalakihan. kaya naman wala siyang pakundangan kung mag palit ng boyfriend. kumbaga di siya nauubusan ng lalaki. at ng plano niyang mag seryoso doon naman siya niloko ng lalaki. Iyon ang unang araw na kita niya kung paanong nagalit si Khalil at binubog nito ng husto si Paolo ang lalaking unang nag paiyak sa kanya. "Anong gusto mo sa babae?" minsan tanong ni Megan kay Khalil "Hmm? Gusto ko sa babae 'yong ako lang ang lalaki sa buhay niya." hindi agad nakapagsalita ang dalaga. bigla ang panghihinayang na kanyang naramdaman sa isiping hindi isang tulad niya ang pangarap nitong babae. hindi nga naman siya nararapat dito, alam niyang turn off si Khalil sa babaeng papalit-palit ng boyfriend tulad niya. "Yong babaeng kahit gaano karaming lalaki ang dumaan sa kanyang buhay, at kahit mabilis siyang mag palit ng boyfriend.. kapag ako na ang mahalin niya.. wala na siyang papalitan kundi ang surename niya. at surename ko ang ipapalit niya." napatingin siya sa mga mata nito, napakaseryoso ng pagkakatitig nito sa kanya na para bang nanunuot iyon hanggang sa kanyang puso. at lihim niyang nahiling na sana siya nalang ang babaeng yon.
My Possessive Adoptive-BIGBrother by LucettaGreen
1 part Complete
"Jiliane! Buksan mo 'tong pinto!" malakas nitong binayo ang pintuan niya. Alam niyang tuluyan ng naputol ang pasensya nito sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwas sa binata. She didn't care actually, kung ayaw nitong marinig ang rason niya ay wala rin siyang balak makinig sa sermon nito. "I said open the goddamn door or I swear I will break this thing! Jiliane!" sigaw nito mula sa labas. Bahagya siyang kinabahan sa karahasang ibinabadya ng boses ng binata. Wrong timing naman ang pag-alis ng mag-asawa at tiyak na walang makakaawat sa pagwawala ng binata. Reed, asan ka na ba? Awatin mo ang kuya mo, parang awa mo na. Kahit kinakabahan ay pinilit niya ang mga paa na humakbang patungo sa pinto. She decided to let him in. Bago pa nga nito tuluyang masira ang pintuan niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang dahon ng pintuan. Kita niya ang pamumula ng mukha nito sa labis na galit. Inisang hakbang nito ang pagitan nila at marahas siyang pinangko at inupo sa kama. "Why?... bakit napakatigas ng ulo mo?" nanggigigil na hinawakan nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Tinabig niya ang mga kamay nito at hinarap ang nagbabagang mata ng binata. "Tao ako, Alejandro, hindi hayop o bagay na walang sariling utak para um-oo palagi sa gusto. So what kung hindi ko natupad ang pangako ko? Tao lang naman ako, diba? Kung pagmomodelo man ang gusto kong gawin karera ay wala ka ng pakialam doon! Gagawin ko ang gusto ko at kahit ikaw ay hindi mo ako pwedeng pigilan!" she said defiantly. What she just said fueled his anger. Naniningkit ang mga matang tinitigan nito ng binata ang kabuuan ng mukha niya bago marahas na bumaba ang mukha nito sa kanya upang angkinin ng pangahas nitong labi ang labi niya. Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malambot niyang kama. No! -Hello guys, gusto nyo rin ba mabasa love story ni Reed? -ano pa inaantay nyo? vote and comments na.. LOL.
You may also like
Slide 1 of 10
the mafia's bet cover
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) cover
[COMPLETED] LOVE WINS Book 3: Perfect Illusion cover
Hinirang cover
Every Girl's Dream Boy: KHALIL MADRIGAL cover
My Possessive Adoptive-BIGBrother cover
Possessive Love of Tomoya 🔞 cover
Santelmo (1762)  cover
TAMER  cover
Clifford Han, The Possessive CEO (The Gang Lords Series 1) cover

the mafia's bet

34 parts Complete Mature

*****SPG***** "nabuhay ako.. paanong nangyari yun..", sabi ni dos nagtataka nakahiga siya sa kama may benda ang mukha😳 naalala niya nakikipaglaban pa sila ng mga kapatid sa warehouse ng sumabog iyon.. 😔 "sir.. wala naman na damage sa mukha mo.. nilagyan ko lang ng bandage dahil may mga sugat para maghilom agad", sabi ng doktor binigyan ng salamin si dos "ha?!, sino yan?.. ah.. i mean bakit siya?..", sabi ni dos nagtataka 😱 ng makita niya sa salamin ang sarili "sir.. ayos ka lang ba?..", sabi ng doktor dahil napasigaw si dos hindi inaasahan ang nangyayari sa kanya nasa katawan siya ng ibang tao.. isa rin sa magaling na hunter sa underworld ng black market.. sabagay guwapo naman si haedes.. pero mas guwapo pa siya kung talaga kung ikukumpara silang dalawa..😆 "si kino.. kailangan ko mahanap siya..", sabi ni dos sa isip nasa katauhan ni haedes.. pero nakita niya ang singsing sa kamay kaya niya kaya tinawag si kino.. kahit ang bantay niya nagtaka sa nangyayari..