“Minsan sa Pag-ibig dapat alam nating kontrolin ang bawat emosyon natin maski pa mahal na mahal natin ito. Kailangang alam din natin ang bawat limitasyong nakabatay kung tayo ay iibig o magmamahal ng isang tao upang sa huli iwan ka man o kahit ikaw pa ang mang-iwan ay hindi ka lubusang masaktan.”
Sa pag-ibig, dapat marunong tayong makuntento, dapat alam din nating tanggapin kung ano man ang meron o wala sa taong nagmamahal sa atin ng totoo dahil tanging sila lang ang makapagbibigay sa kaligayahang ating inaasam at alam ang salitang ‘hindi pang-iiwan’, piliin natin yung taong alam tayong pahalagahan! Aanhin mo ang kagwapuhan, kasikatan, talented o astig kung hindi naman maganda ang kalooban, wala rin. Piliin natin yung taong handang umalalay sa atin at proprotekta sa gitna ng mga problemang tatahakin natin. Piliin natin yung taong willing ibigay lahat ng oras niya para lang sa atin, yung hindi kailanman magsasawa sa pag-intindi sa atin.
Sa pagkakataong ito ibabahagi ko sa inyo ang aking kuwento tungkol sa buhay pag-ibig na kung saan puno ng magaganda at masasayang "ALAALA" na kahit kailan hindi na mauulit pa.
Ako si Airah, mas kilala sa pangalang “Dina”, maaga akong umibig kaya’t maaga rin akong nasaktan. Hindi ko rin lang naman kasi masisisi ang sarili ko dahil nagmahal lang naman ako. Wala naman sigurong tao na hindi nagmamahal, diba? Lahat naman ng tao dito sa mundo may karapatang magmahal pero may hangganan nga lang.
At ito ang aking kuwento..........................................
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp?
How can she reign the throne if there's no last section anymore?