Una ko siyang nakilala sa isang room. Natutulog siya ng pagkahimbing-himbing. Napangiti ako dahil do'n. Malaanghel ang kaniyang mukha, parang noong nagsaboy ng kagwapuhan si God-nasalo niya lahat. Sa bawat ikot ng mundo, sa bawat pagtakbo ng oras. Iisang daan lang ang nagpapangiti sa'kin. Ang daan kung saan sinabi niyang.. "Natatandaan kita" sabay ngiti na halos hindi na makita ang makikinang niyang mata. Para akong tanga na nakangiti sa tuwing naaalala ko ang mga ala-ala na iyon. At kung babalikan ang lahat, walang makakapalit ng mga ala-ala na 'yon. That precious memories will never fade away. I am Naomi Thea Gutierrez. Naniniwala na hindi lahat ng love story at fairy tales. May endings, dahil naniniwala ako.. Ang fairy tales ng isang tao. Hindi matatapos sa iisang kwento lang. Matatapos lang ito kapag tapos na ang lahat, kapag naputol na ang pisi na nagdudugtong sainyong dalawa. Kamatayan man o panghabangbuhay.