Ang hirap magkagusto sa torpe.
Yung tipong, gusto mo siya, gusto ka niya tapos wala ka nalang magawa kasi babae ka, lalaki siya.
Yung sasabihin nalang sayo na gusto ka rin niya pero di ka makapaniwala kase mever kang nakakita ng emosyon o senyales kung totoo ba o hindi.
Yung iisipin mong, "ay gusto pala niya ako! Magkakalovelife na ako!" Pero ayun tayo bes, nganga pa rin hanggang ngayon.
Yung mapapasabi ka nalang ng "ako ba dapat ang kumilos? Eh babae ako. Ano siya chix?" Kaya hanggang ngayon, walang tayong nararating.
Hindi naman porket babae ka, di ka na pwedeng kumilos. Yun nga lang, ang problema..
Torpe ka rin gaya ng lalaking gusto mo. Di mo rin kayang magpakita ng interes.
Ano na bes?
Torpe Goals??