Siya si Ma.Janella de Jesus, o MJ sa mga malalapit na kaibigan at kakilala.. Isang sales staff sa isang di gaanong kalakihang perfume store. 25 years old, never been touched, never been kissed though nagkaboyfriend naman siya once at nagkaron din naman ng flings yun nga lang hindi nauwi sa relationship sa kung anu-anong dahilan. Isa siyang hopeless romantic na mas lamang ang pagiging hopeless, dahil kahit matalino siya, may itsura, sweet.. eh wala siyang maalayan ng love na meron siya at kaya niyang ibigay with full force..
Not until she met Roswald Aguirre..
Si Roswald, 35, encoder sa isang government office. Gwapo, may sense of humor at sa tuwing magkakatitigan sila, ewan pero gusto na lang ata ni MJ titigan na lang sa magdamag ang binata..