Si Ken Isagani ay isang simpleng binatilyo lamang. May scholarship sa U.P. integrated school Los Banos, consistent numero uno sa klase, running valedictorian, at part-time researcher sa DLSU-STC. Sa murang edad, isa na s'yang magaling na chemist, at ginagamit n'ya ang talinong ito para makaahon sa buhay ulila. Isa s'yang magaling na chemist, at ginagamit n'ya ang talinong ito para gumawa ng drugs. Si Ken Isagani ay isang drug lord. Napaka-simple. Pero pa'no kung isang araw, magbago yun lahat dahil sa napaka-tinding plot twist na mukhang inasahan mo na? (Ang mga karakter sa istoryang ito ay kathang-isip lamang. Kung nagkataong merong mga kapangalan o kapareho ng pangyayari sa totong buhay, ito ay pawang pagkakataon lamang. Pakiusap, baka may mga mamatay na inosente, lalo na sa panahon natin ngayon.)