PAG-IBIG.
Isang aspetong patok sa industriya ng pelikula.
Madalas may kasamang kilig, minsa’y saya, may kahalong takot, at mayroon din namang kaba.
Higit sa lahat ng pag-ibig ay tuturuan kang mag-drama, tulad ng mga panahong iniyakan mo ang peyborit mong bida noong silang mga kontrabida ang naghahari-harian at tumatayong bida.
Na hindi lang laging mga salitang “I LOVE YOU”, “LOL”, “OMG” at “BANG!” ang tunay na eksena,
bagkus, paminsan-minsan ito’y present din sa mga linyang “SORRY” at “GOODBYE”,
na hindi laging PERFECT TEN (10) o EXAGGERATED ELEVEN (11) na laging pinapangarap at inaasam ng lahat ng in a relationship ang civil status, o silang mga martir at lasing sa pag-ibig.
Sapagkat ang tunay na pag-ibig,
ay maaaring 8.5 lang, or 5 ½,
and worst,
-ABSOLUTELY ZERO.