Crush na Crush ko talaga si Daniel Simula pa lang ako ng grade 5 classmate ko na sya kahit ngayong college crush na crush ko pa rin sya kahit pang bata lang yang crush crush na yan.
"Happy Monthsarry babe", sabi ng babae sabay yakap kay daniel
"Same too babe", sabi naman ni Daniel
Malapit lang ako sa kinauupoan nila kaya naririnig ko pinaguusapan nila . Ang sakit nga ehhh ...
Umalis na ako doon sa kinauupuan ko. Baka mas lalo pa ako masaktan , alam ko naman na wala akong karapatang masaktan kasi hindi kami , at hinding hindi mangyayari yun
Nag sulat ako sa bond paper ng gustong gusto kong sabihin sa kanya noon pa. Tapos ibibigay ko sa kanya yun.
Dear : Daniel,
Alam kong hindi mo ako pansin, narito lang ako nag hihintay na mahalin mo umaasa kahit hindi man ngayon, mapapasin mo rin ako . Alam kong hindi mo ako makita , narito lang ako hinihintay lagi kita umaasa kahit hindi man ngayon. Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako pagkat tibok ng puso ko maging tibok ng puso mo sana nga mangyari yun kahit hindi man ngayon pero sana pagdating ng panahon.
LOVE , JASMINE